HAPPY BIRTHDAY, WILFRED!

Filed under: Current Affairs — wjsonita at 6:51 pm on Tuesday, April 4, 2006

MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY, MY SON! 13 yrs old ka, na…. my gosh! meron na akong teenager, malapit na akong maging lola! hahahaha! asa kayo diyan, mga chikas, malayo pa, noh!

Nanlamig na Pag-ibig

Filed under: Poetry — wjsonita at 6:43 pm on Tuesday, April 4, 2006

Unti-unti kong naramdaman

sa akin ika’y lumalayo;

padalang nang padalang

ang ating pagtatagpo.

Mga titig mong kay lagkit

na dati-rati sa aki’y di mapagkit,

ano’t iyong paningin

halos di na sa akin ipaling?

Ang labi mong puno ng ngiti,

wari mo ngayo’y nakangiwi;

Mga yakap mong anong higpit,

ano’t tila sa aki’y pinagkakait?

Mga halik mong kay-init,

bakit ngayo’y kaylamig?

Malapukyutan nitong tamis

ngayo’y maasim at lasang panis.

Iniibig kita….

buong giliw mong sinasambit,

ngayo’y kaydalang ko’ng marinig,

lubha pang asiwa at pilit.

Nasaan ang iyong pang-unawa

sa puso kong nagmamakaawa?

Pilit kong nililimi

sanhi ng iyong pagkukunwari.

Ang lagablab ng iyong pagsinta

na sa aki’y labis na nagpaligaya,

ngayo’y aking inaapuhap

sa alapaap ng iniwan mong alaala.