Ayokong Tawagin Kang Ligaya (para kay Joy)

Filed under: Poetry — wjsonita at 6:57 pm on Friday, May 26, 2006

Tula mula kay Kiko MonteseƱa

Dahil ikaw na naglalagi sa dulo
ng hindi ko maihintong paghinga

ay mahalaga, at ang ligayang
tinuturan nila ay tanging pagbibigay

ng aliw sa pita,  hindi ko hahayaang
bahiran ng putik ang lantay na pangalang

aking iniingatan. Ang Ligayang kilala
ko ay dalisay ang puri at tanging dinadambana

ng aking pagtatangi. Nais kong ikintal ka sa
pangalang kapuri-puri at walang bahid

ng kanilang  paghahangad. Ayokong tawagin
ka nila sa pangalang ukol kay Magdalena.



4 Comments »

31

   Grace

May 30, 2006 @ 11:26 pm

Oo nga naman, tama si pareng Kiko. Sa tin kasing mga mujer, apelyido lang ang dapat pinapalitan, at di ang first name noh. Di ka tuloy makilala ng ibang friends natin kasi kilala ka namin as Trinidad. Un na un, pa Joy-joy ka pa kasi eh. O sige, kung type mo talaga magpalit, wait isip tayo ng bagay at malapit sa Trininad……….. how bout Trina…. or Trish, o divah sosy!!! Aha! from now on Trish na itawag ko sa yo. Bahala silang mag-isip sa forum kung sinong Trish. gwahahaha!!! Yun naman ang papel ko don, ang mag create ng eksena at intriga!!!! Yes!!!! Bago naman to!!!! Oks ba mare??!!! Luv u…

32

   leen

June 7, 2006 @ 12:31 am

korak ka dyan mareng grace..at dito rin pala nagmula ang pangalang Trish..hwahaha….o sya Trish kung Trish…sarap nyong trisin na dalawa…di bale pagtayoy mga granny na.oks pa rin ang trish kesa trining..hwahahaha..love you Trish…

33

   Dory

June 8, 2006 @ 8:16 pm

Dito pala masarap ang chikahan. Kaya pala nawala na ang 3’s adiktos mujeres sa forum. Miss ko na kayong 3 dun. Hi Joy, di ko maarok ang mga salita mo dito. Medyo nahihirapan akong intindihin. Pero saludo ko sa yo sa pagsusulat ng mga makatang salita. Take care and God Bless! Labs u.

34

   WJ

June 12, 2006 @ 7:39 pm

Haay salamat! Nakumpleto dito ang aking tres amigas. Praktis lang ng pananagalog yan mga amigas.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>