Pag-usbong ng Ligaya (Para kay W. J. Sonita)

Filed under: Poetry — wjsonita at 7:40 pm on Saturday, May 27, 2006

Tula

mula kay Raul Funilas

(posted in Kamakatahan, May 25, 2006)

Tumabing ang ulap sa iyong ligaya
Ragasang himutok ang lunging pagsinta.
Ikaw ay nasadlak sa lungkot at pitang
Ninais ng takdang tila ba parusa.
Ikaw ay babaeng taga sa panaho’t
Daho’y anong tibay hindi yumuyungyong.
Anumang sapiting tadhanang naukol
Dagliang titindig, hindi pasusukol.

Panaho’y nalagas sinugba’y pagtula.
Ang puso’y inaliw tagong talinghaga’t
Nanulay sa saknong ng bighaning tala.
Limutin ang lumbay lumukob sa diwa.
Ika’y nakakita ng Binhing Pag-asa
Luha mo’y pinahid sa namugtong mata.
Iginuhong lupa’y umusbong ay saya’t
Olibang yumabong, nagsanga, nagbunga.



3 Comments »

35

   Grace

May 30, 2006 @ 11:14 pm

Alam ko maganda at kaaya-aya ang nilalaman ng tulang ito, lalo na’t ito’y katha ni G. Raul Funilas (Hi Raul!)… kaya lang mare, SOBRANG LALIM ng mga salitang ginamit dito…. as in di ko maarok!!! di pa naman ako marunong sumisid… floating lang alam ko!!! Waaahh!!! huhuhu!!! Paki explain mo na lang sa kin ha. Sobra taas ng level eh! Hehe!

36

   leen

June 7, 2006 @ 12:27 am

akma sa yo ang tulang nabanggit..isa kang ligaya sa makabagong panahon..butihing ina at asawa .. matatag..matibay..maaasahan.. mabuhay ang may-akda..pwede ako rin..hwahahaha

37

   WJ

June 12, 2006 @ 7:35 pm

Salamat, mi dos amigas sa pagbibigay ng mga komento, totoong nagpapataba ng puso.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>