Malikmatang Pag-ibig
tula mula kay Raul Funilas
Walong mahahalagang letrang
Jologs at cute ang nagdadala;
Siya ba ang takda ng Langit
O siya’y hilong panaginip?
Nais kong laging makapiling
Igapos sa bisig, mahali’t
Tiyaking siya’y liligaya.
Ay! Pag-ibig na malikmata.