Sana

Filed under: Poetry — wjsonita at 7:33 pm on Friday, October 20, 2006

Sana

ni W. J. Sonita

Hindi ako sadyang naglaro ng baga,
ako’y nahalina lang sa kanyang ganda;
Naroon ka at ako ay itinulak -
nasunog tuloy ang aking mga pakpak.

Kay-gandang titigan ang kanyang kariktan!
Di ko alam ako pala’y masasaktan;
Sana ay hindi ko ginawang suwayin
ang bilin ni Inay, “Apoy h‘wag salingin.”

Disin sana’y buhay ko ay di nagulo,
sana’y narito pa sila sa piling ko;
Di sana lumuluha ang mga mata,
di sana ako mag-isa’t nagdurusa.

Kung maibabalik lang ang nakaraan,
wala Sanang kumukurot sa ‘king budhi.

100106

Miss ko na kayo mga friendship!

Filed under: Current Affairs — wjsonita at 6:29 pm on Wednesday, October 4, 2006

Mga friendship, miss ko na kayo! It’s been a long while since we’ve been together. Let’s get out at magbonding naman tayo. Just email or text me. Babu!