Erwin’s photos

Filed under: Uncategorized — wjsonita at 12:34 am on Monday, November 27, 2006

Erwin

Erwin’s poems

Filed under: Poetry — wjsonita at 10:19 pm on Sunday, November 26, 2006

As a tribute to co-poet Erwin Kim S. Robledo, I am posting here some of his poems which are published at emanilapoetry.com

Featured Poems

The Poetry of Erwin Robledo

Erwin RobledoWhen Sleep Comes

Sleep, and dreams
Want of a moment
Weird, it seems
Thoughts in a current
Easily dispersed
Sense of images spent

*** "When Sleep Comes" is one of Erwin’s two poems included in emanilapoetry’s anthology Sa Kabila Ng Ritmo: Mga Piling Tula ng mga Bagong Makata.

~~~0~~~

Chocolate

Starts as a wish on a chocolate star
Grows to conquer the chocolate sky
Rains on one person
My chocolate Tita Mameng
She sends some every year
Wrapped in chocolate paper
Into my mouth they go
Filling every cavity
Every crevice flattened
With a chocolate fill:
Tita Mameng’s embrace

*** "Chocolate" is one of Erwin’s two poems included in emanilapoetry’s anthology Sa Kabila Ng Ritmo: Mga Piling Tula ng mga Bagong Makata.

~~~0~~~

Jump!

Fill the lungs with air
Cold, and perfumed by the mountains
Then suddenly stretch
Faster than the dictates of science
And fly

Leave your skin behind
You won’t need it
Or eyes; look with your hands
The thick, damp foam of the heavens

Exhale if you want to land
Smile if you want to stay

~~~0~~~

Creativity

It, that immobile beast
Moves just an inch when all might’s used
Retracts a mile when you let go
Flings into the night
Moves fast under the spotlight
Caught only in a photograph
Blurred unless followed

~~~0~~~

Hate and Consequence

Twenty-five sticks beat one at a time
It’s not the pain; it’s to survive
Body and soul become one stone
Anger is the saving throw

That one alone beat twenty-five
As all lay dead, all inside sinks
Ripples of conscience scald the skin
Therapy’s where the mind’s thrown in

~~~0~~~

Paalam, Erwin…

Filed under: Current Affairs — wjsonita at 8:08 pm on Thursday, November 23, 2006

Ipinapaalam po namin sa lahat na ang kasama nating si Erwin Kim Robledo ay sumakabilang buhay na. Ang kanyang labi ay nasa Forest Hills, Novaliches, Q. C., Philippines.

Ayon sa kanyang kasamahan sa simbahan at sa kasama na rin natin dito sa panulaan na si Neselle Magboo, galing daw sa bahay ng bestfriend niya si Erwin noong November 20, Monday, bandang 10pm. Naglalakad siya papauwi na, madilim (Susano Road makalagpas ng Novaliches Bayan), saglit na umihi sa MMDA urinal booth, hinoldap at tinutukan ng baril, dikit sa dibdib kaya umikot ang bullet sa katawan nya. Nanatili pa syang buhay ng 5 oras, nakapagsumbong pa sya sa prisinto, nakareport ng maayos, 2 pages pa kamo at maayos pa ang pirma nito. Matapos ay dinala na sya ng pulis sa Quezon City Gen. Hospital. Pinilit pang alisin ang bala, kumalat na ang dugo sa katawan. May pag-asa pa sanang mabuhay ngunit madami na syang tama dahil umikot nga ang bullet, pati baga apektado. Nakita pa nya ang mga magulang nya dahil sumunod sa ospital.

November 21 ng madaling araw, lumisan na sya. Sa sabado ang libing sa Forest Park, Caloocan bandang 10am.

Gumawa ng tula si Neselle na siya niyang inialay kay Erwin, ang "Just Last Sunday" sapagkat masaya pa daw silang nagtatawanan at nagchi-chikahan pa nung nagsara sila ng simbahan. Sabi nga ni Neselle, "Buhay nga naman, walang bata at matanda sa kamatayan, kung plano ni Lord, plano Niya talaga!"

Dagdag pa niya, "Well done, Erwin Kim." "You know guys, he’s been very faithful to the Lord, humble servant and a lover of God." "We will miss you, Kim." (as we often call him in the church)

Ako naman ang magkukuwento:

Nagpunta kami kagabi sa burol ni Kamakatang Erwin sa Forest Hills, Novaliches. Apat lang kaming nakarating, si Tata Raul Funilas, Pakner Willie Bongcaron, Rose Ydia at ang inyong lingkod, (Joy) W. J. Sonita. Si Mean Cariquez na kasama sa unang pag-uusap ay di na tumuloy dahil sa sumama ang pakiramdam, may ubo at masakit2 na daw ang ulo.

Madali lang hanapin ang Forest Hills, nasa hilera lang siya ng Quirino Highway, bago dumating ng Bayan ng Novaliches.

Napakarami ng taong naroroon, ang magulang at kapatid ni Kim (Erwin is fondly called Kim by his family and friends.), mga kamag-anakan, kaibigan at kasamahan sa simbahan. Sayang at wala kagabi si Neselle, magpapahinga naman yata dahil ilang gabi na silang puyat sa lamay. Nakausap namin nang medyo matagalan ang mama ni Erwin, nito daw mga huling araw, parang mas gusto daw ni Erwin na tawagin siyang "Erwin" kaysa sa nakasanayan na nilang "Kim". Nakausap din namin doon ang mga kasamahan niya sa simbahan, mapabata man o mapamatanda, they only have good words to say about Erwin. Napakabait na bata, napakatahimik, napakatalino, magaling gumawa ng kanta sa simbahan (note lyrics & music), siya pa nga daw ang nagtuturo sa kanilang music ministry.

Nagprint si Rose nung 5 tula ni Erwin at yung tula para kay Erwin nina Luisa at Megs. Bilang pagbibigay pugay kay Erwin, nagkaroon kami ng biglaang poetry reading doon. Nauna si tata na walang dalang kopya ng sariling tulang ginawa niya para kay Erwin kaya ang binasa nya ay yung tula ni Megs. Pumangalawa si Willie na binasa naman ang tula ni Luisa. Pumangatlo ako na binasa ko naman ay yung tatlong tula ni Erwin na "Jump", "Creativity" ang "Hate & Consequence". Ang pinakahuling nagbasa ay si Rose, binasa niya ang dalawang tula ni Erwin na na kasamang nalimbag sa aklat ng Emanila Poetry na Sa Kabila Ng Ritmo, ang "Chocolates" at "When Sleep Comes". Maluha-luha nga kami nung nagbabasa nung mga tula nya, pati na rin yung mga tao ay may mga napapaiyak na. Yung emcee ang nagsarado nung poetry reading sa pamamagitan ng pagbabasa niya ng tula ni Neselle na "Just Last Sunday".

There was a corner there especially dedicated to Erwin, wherein they have placed a corkboard-all of Erwins poems are there, and also that of Neselle. There are several printed pages of Friendster testimonies to Erwin. And a lot of bits & pieces of messages from his friends. There is also an example of the comic strip he also did. Really, what a gifted man Erwin was!

Bago kami umuwi sinilip namin si Erwin, para lang siyang natutulog, ever gwapo pa rin, naka-Amerikana pa. Tahimik kaming nag-alay ng dasal sa kanya at nagpasalamat rin kami sa kanyang kontribusyon sa Panitikang Pilipino at sa ating samahang Kamakatahan at Emanila Poetry.

Sa iyo, Erwin, sandaling panahon ka man lang namin nakasalamuha, umasa kang hindi ka namin malilimutan, narito ka sa aming puso.

Huwag Mong Agawin Ang Lahat Sa Amin!

Filed under: Poetry — wjsonita at 11:42 pm on Sunday, November 12, 2006

ni Joy W. J. Sonita

Kahit inaabuso

tao’y nagtatrabaho

maliit man ang sweldo.

Sa oras ng pagkain

wala nang maihain

kundi luha at asin.

Anak di mapag-aral

kahit leksyon na basal,

lumaking walang asal.

Bawal ang magkasakit,

lunas ipagkakait

sa taong bulsa’y punit.

Di ka makapapayag

na tao’y magpahayag,

hininga ay kinalag.

Ano pa ba ang kulang?

Dignidad n’lang naiwan…

Iyo pang dinungisan!