Miss ko na kayo mga friendship!

Filed under: Current Affairs — wjsonita at 6:29 pm on Wednesday, October 4, 2006

Mga friendship, miss ko na kayo! It’s been a long while since we’ve been together. Let’s get out at magbonding naman tayo. Just email or text me. Babu!

Kakaibang Adonis

Filed under: Poetry — wjsonita at 3:34 am on Friday, September 22, 2006

By W. J. Sonita

Matinik ka sa tsikas
wala kang pinipili;
Sila ay walang takas
pag iyong nakatabi.

Kwintas mo ay babae,
korona mo rin sila;
Animo’y bagong kotse
pinaparada mo pa.

Bukas laman ng “hedlayn”
kawawa mong biktima
nagbigay ng katawan,
puso at kaluluwa.

Kasama sa balita
motel na pinasukan;
Ilang ulit ginawa
nagpasirku-sirku pa!

Saan ang  nunal niya?
Magaling bang humalik?
Dila’y nang-iiskrima?
Masabaw bang buko n’ya?

Minsan ika’y nagtanong
bakit sa ‘yo nabaliw?
Hindi yan sa agimat
kundi sa ‘yong pagpanggap.

Kunwa’y maamong tupa
lobo palang mabangis;
ngunit kakaiba ka . . .
tsismoso kang Adonis!

Mauna Ka Nang Bumato

Filed under: Poetry — wjsonita at 4:22 am on Thursday, September 21, 2006

by W. J. Sonita

Hinahamon kita! Kung ika’y walang sala
tumayo ka at mauna ka nang bumato
sa babaeng binansagan mong Magdalena
na kamo’y naglaro sa umibig mong puso.

Hindi baga naghangad ka ring makasamyo
ng ibang bulaklak na di naman sa iyo?
Di ba ikaw na mapaglarong paru-paro
ang s’yang dumapo sa bulaklak na tuliro?

Wala sigurong haliparot sa mundong ‘to
kung wala ring mapagsamantalang tulad mo.
Ang sabi mo ay nagkunwari akong lantay
nagkunwa ka namang sa aki’y gumagabay.

Bakit ka nasaktan nang ika’y aking iwan
samantalang di mo naman inalintana
pagluha ng mga pusong pinaglaruan?
Sabihin mo ngayon… kaya mo bang bumato?

Gaano Mo Ako Kamahal?

Filed under: Poetry — wjsonita at 1:03 am on Wednesday, September 20, 2006

W. J. Sonita

Sa napakaigsing panahon, iyong tinuran

Ako’y mahal, pag-ibig mo’y huwag pagdudahan;

Sagot ko ito’y isang malaking kahangalan

Maaari bang magmahal ng taong di mo kilalang lubusan?

O isa lamang kalibugan ang iyong nadama?

Kapwa natin alam tayo ay di na malaya

Ngunit ito ay ating pinagwalang bahala –

Nagtampisaw tayo sa putik ng pagkasala.

Lumipas ang panahon ako ay natauhan

Tapos na’ng laro natin, oras na ng uwian.

Bakit ka nagalit at ayaw akong payagan?

Sadya bang inisip mo ay walang katapusan?

Ang pag-ibig mo ngayo’y aking masusubukan:

Kaya bang unawain ang pusong naguluhan?

Kaya ba nitong maggawad ng kapatawaran?

Kaya ba nitong magkaloob ng kalayaan?

Kumusta Na, Aking Mahal?

Filed under: Poetry — wjsonita at 12:53 am on Wednesday, September 20, 2006

By W. J. Sonita

Mula nang ako’y lumisan

sa piling mo aking sinta;

Sinong nasa ‘yong kandungan?

Sa kanya ba’y maligaya?

Iyo bang naaalala?

Matamis nating nagdaan?

Yakap na anong higpit pa….

walang humpay na anasan.

Mahimbing ba ang yong tulog?

Di ka ba binabangungot?

Ikaw ba’y di nahuhulog?

Siya ba ay di malikot?

Pa’no ka niya tinatawag?

Pa’no mo siya nilalambing?

Dila ay nangagsikawag

ako’t siya’y hinahambing.

Kaydali mong nakalimot!

Sa kanya ay nahumaling;

Puso kong iniingatan

sadya mo pang sinugatan.

May sarili ka nang buhay

dapat na akong bumangon;

Akin nang dapat magamay

buhay na wala ka roon.

Malikmatang Pag-ibig

Filed under: Poetry — wjsonita at 3:22 am on Saturday, June 10, 2006

tula

mula kay Raul Funilas

Walong mahahalagang letrang

Jologs at cute ang nagdadala;

Siya ba ang takda ng Langit

O siya’y hilong panaginip?

Nais kong laging makapiling

Igapos sa bisig, mahali’t

Tiyaking siya’y liligaya.

Ay! Pag-ibig na malikmata.

Pag-usbong ng Ligaya (Para kay W. J. Sonita)

Filed under: Poetry — wjsonita at 7:40 pm on Saturday, May 27, 2006

Tula

mula kay Raul Funilas

(posted in Kamakatahan, May 25, 2006)

Tumabing ang ulap sa iyong ligaya
Ragasang himutok ang lunging pagsinta.
Ikaw ay nasadlak sa lungkot at pitang
Ninais ng takdang tila ba parusa.
Ikaw ay babaeng taga sa panaho’t
Daho’y anong tibay hindi yumuyungyong.
Anumang sapiting tadhanang naukol
Dagliang titindig, hindi pasusukol.

Panaho’y nalagas sinugba’y pagtula.
Ang puso’y inaliw tagong talinghaga’t
Nanulay sa saknong ng bighaning tala.
Limutin ang lumbay lumukob sa diwa.
Ika’y nakakita ng Binhing Pag-asa
Luha mo’y pinahid sa namugtong mata.
Iginuhong lupa’y umusbong ay saya’t
Olibang yumabong, nagsanga, nagbunga.

Ayokong Tawagin Kang Ligaya (para kay Joy)

Filed under: Poetry — wjsonita at 6:57 pm on Friday, May 26, 2006

Tula mula kay Kiko Monteseña

Dahil ikaw na naglalagi sa dulo
ng hindi ko maihintong paghinga

ay mahalaga, at ang ligayang
tinuturan nila ay tanging pagbibigay

ng aliw sa pita,  hindi ko hahayaang
bahiran ng putik ang lantay na pangalang

aking iniingatan. Ang Ligayang kilala
ko ay dalisay ang puri at tanging dinadambana

ng aking pagtatangi. Nais kong ikintal ka sa
pangalang kapuri-puri at walang bahid

ng kanilang  paghahangad. Ayokong tawagin
ka nila sa pangalang ukol kay Magdalena.

Isang pagbati noong Araw ng mga Ina

Filed under: Current Affairs — wjsonita at 7:26 am on Monday, May 22, 2006

Pagbati mula sa isang kamakata,

Willie Bongcaron

Para sa isang espesyal na ina

sa kamakata…. isang pagpupugay

at pag-aalay;

di man makita nang kung

ilang araw,

sapat nang bumati upang mundo nami’y

magkakulay!

HAPPY MOTHER’S DAY LIGAYA… 

Isang mensahe galing sa isang kamakata

Filed under: Poetry — wjsonita at 10:20 pm on Saturday, May 20, 2006
Alam mo gusto kitang tulain Ligaya?


By Tata Raul Funilas


Katulad mo'y isang patlang


na gustong pumailanlang


sa kalawakan ng buhay--


tuparin ang maging Nanay.





Katulad mo'y alikabok


na galing sa Amang Diyos,


sa katali'y ihahaplos


buong galing na may lugod.




 

Maligaya kang makata


sa Kamakatahang bangka,


minsan ka lamang tumula
bigla kaming namamangha.


« Previous PageNext Page »